Kwento ko. Ikaw, anong sayo?
• ang aking hi-tech na diary • pwede ding digital playground •
Hindi ordinaryong Birthday
Setyembre 13, 2013
Ayoko naman sanang masaktan, magtampo o makaramdam ng kahit ano mang di magandang emosyon.. Kaya lang pag naalala ko na "hindi nya naaalala" na kaarawan ko kahapon, may kurot pa din. :'( Masakit pala.
Hindi ko alam ha, pero ako kasi napakahalaga sa akin ng mga okasyon sa pamilya namin, mga petsa na di ko talaga nakalilimutan, pinaghahandaan pa bagskus. Pero sabi nga ng iilan, di naman lahat ng tao pare pareha.
Baka naman kasi bisi, abala. Madami iniisip o iniintindi. Yun na lang pinapagsaisip ko. At least, naka experience ako na makalimutan sa mismong kaarawan ko ng pinaka mamahal kong tao. (masyadong bihira mangyari ang ganon, kaya iniisip ko na lang swerte pa din ako at naexperience ko.)
Nagpapasalamat ako sa kumpanyang pinagttrabahuhan ko, sa mga kawork mate ko, sa HRD namin na nagbigay pa ng di ko inasahang regalo. Salamat sa inyo. Napasaya nyo ako. :)
Thank you Lord sa pagbigay pa sa akin ng isa pang taon, maraming salamat sa di nyo pagpapabaya sa akin, sa amin.
Memories
I opened my drafts in my gmail account and seen a lot of memories. Memories that still shakes me. I can still recall the feeling. The hatred. The much pain inside me. I know that my mind already forgot that situation but once i looked at it, my heart and mind still pulls me in that emotion. How can i forget that? The burden. God is great for giving us a second chance. I believe that what happened is not our choice but it is God's will. We now let everything to God. May he gave us tons of blessings and much grace in our lives. Now that we are taking that next step. Next level. Love may continue to shower. Endless. Countless. :)
happy and contented
happy and contented
Sa aking Kaarawan
Setyembre 12, 2010
Isang ordinaryong araw. Nagising ako sa tawag ng dady mula sa cellphone ko, sinasabi na nasa Tayuman Street na daw sha at gumising na daw ako. Maaga pa, inaantok pa ako. Alas otso lang yata o pasado. Shempre ginising ko na ung mga katabi ko at pinalipat ng higaan dahil darating sha. Oo nga pala, birthday ko ngayon. Hindi ko na naalala.
Pagod ako kahapon, napakadami kong niluto. May carbonara, ang trademark kong sopas at fruit salad, samahan mo na ng pritong manok. Kala mo may bisita, hehe isa lang naman ang bestfrend kong si Chate. Palakaibigan ako, madami akong kakilala at kakwentuhan pero dalawa lang talaga ang natatangi kong kaibigan. Si Chat at Cris (na nasa Texas kaya hindi nakapunta)Binusog ko sha ng carbonara na favorite daw nya, grabe tong babae na toh napakatagal kumain, para shang manok, na tuka ng tuka. 2 oras ata akong nakatanga sa pagtitig habang nagkkwnto pampaalis ng inip sa bagal nyang kumain. haha! At shmpre nagpa salon makeover ako, kasama shang napilitan lang yata na mag hi-lites(buti mura lang) At first time kong magsara ng salon at nga mall (grabe sa tagal ang hair dye ko with cellophane na sa totoo lang para naman hindi ako ginupitan.) at pagkatapos nyan, namili pa ng kung anik anik sa gilid ng tutuban (night market)Thank you s earrings na gift mo sa akin chate ha, magagamit ko toh mag nagheal na ung bagong butas ko. hehe
Yan ang kadahilalan kung bakit ako pagod at tamad gumising kaninang umaga.
Tumawag na naman ang dady, wala daw shang mabilhan ng manok. Malamang, ang aga aga pa kasi. Kaya sbe ko wag na lang at dumerecho na dito. Kumaen sha ng carbonara at fruit salad. (gawan ko daw sila sa kanila, nagrequest pa) at ng matapos ang kainan, ngpunta na kami ng church para magpasalamat at magdasal. Sa simbahan, mukang hi-blood si father na nagbibinyag, dahil kahit walang misa, panay ang sermon nya. :D
Naglakad kami mula Tondo papunta Tutuban. Alam kong asar ng bebe, pero wala sha magawa dahil sa araw ko ngayon, bawal kumontra. Tiniis nya ang sakit ng paa at tumuloy s paglalakad. May nakita kaming mga celphone s daan (mga GSM), nakabili ng pants as blouse s mall at nagdecide nang pumnta ng San Lazaro para manuod ng aking request na Resident Evil: Afterlife, at pagkatapos, nag early dinner sa rice all you can chicken house. Super busog. Palakihan kami ng tyan.
Masaya na ako sa mga pagkakataong ito. Pagod na din ang mga paa ko pero masaya ako.
Hanggang sa may nilabas na munting regalo ang aking mahal na napakalaking parte sa pagbuo ng araw ko. Dahil kenkoy, pinoy henyo muna, Hulaan kung ano yun. Sa totoo lang hindi ko inexpect na mag aabala pa sha. Malihim kasi un. Marunong magtimpi at magtago. Talagang wala ako narinig sa kanya para makapagclue man lang sa kung anong magaganap. Hanggang sa hindi ko na nahulaan.. at nang binuksan ko. Isang singsing. Nang nakita ko, napangiti ako, pero nahihiya ako (ganun ako pag binibigyan nya ako, hindi kasi ako sanay ng binibigyan) Parang, bakit? Eh may singsing naman kaming dalawa. Hanggang sa pinaliwanag nya ang significance kung bakit. Sobrang na touch at natunaw ang puso ko. Hindi ko makuhang magpasalamay ayon sa gusto ko. Hindi ko masabi ang madaming bagay na gusto ko sabihin. Simpleng thank you, yakap at halik lang ang naibigay ko dahil sa shock pa ako. Hindi ko na halos maalala na hiniling ko ang bagay na yun sa kanya, pati yung ferrero naalala pa nya. Naluluha ako habang inaalala ko ang lahat ng pinagdaanan namin, sha at ako bago maabot ang puntong ito. Masarap at masaya sa pakiramdam. Sa wakas. Magkakaroon na ako ng kapayapaan na matagal na din palang nawala sa amin (ano ba yan, naluluha na naman ako ngayon) Hindi nya ako binigo mula nuon hanggang ngayon sa pagsurpresa at sa pagbibigay ng walang sawa at patid na pagmamahal. Alam kong sa puntong ito ng buhay ko. Pinagpala ako. Binigyan ako ng Panginoon ng suntok sa buwan na relasyon at pagmamahal na minsan mo lang matagpuan. Nagkamali ako at muntikan ko nang mawala pero hindi ko na hahayaan na mangyari muli yon. Salamat po sa inyo dahil tinulungan nyo akong patunayan ang bagay na akala kong hindi ko na maabot. Inakala kong hindi na ako makakapagsulat nang may ganitong bugso ng emosyon sa akin. Inakala kong hindi na ako makakabalik sa kasiyahan at kapayapaan.
Heto na ang pinaka espesyal at pinakamagandang regalo sa buhay ko.
Maraming salamat....
kaya ko nang ngumiti ng ganito ^______________________________________________________________^

Limited.com
With almost 10years of friendship, me and Charity (my bestfriend) not actually planned but decided to come up with this business. It's a one stop online shopping central. We've just started but its 100% working. :) I hope you guys can stroll at our page and make yourself satisfied. We will be adding more! Items will be uploaded soon. Happy shopping!
QC Invasion
March 7, 2010
Whoa! Tiring day! Ang init sa labas, summer is everywhere!! Its a long time since i wrote, actually i got a lot of stories to tell but dahil sa pgod eh nakakalimutan nang isulat for february and ayoko nang dumami ang utang ko hehe :) dats y here i am again. Its ninong vic's birthday today. They reside at Munoz, Kundiman which we used to live before (few blocks away from them) Of course, am with my dady bear! Hindi ako sumabay kela mommy dahil mas gusto ko kasama ang one and only ko! and natunton naman namin ang "Paler", "Valdes" este "Baler St." na sa may kanto ng shell. hahaha! (may wager-waiver syndrome kasi ang dady) Pagdating namin dun, naabutan ang videoke maniac na pamilya Yao na parang lahat eh kumanta at tanging ako na lang ang hindi. :| We had a lot of talks, nariyan ang pagdiskubre ng " 3 dream dates " ko. hehe Pagkaen ng paulit ulit, pagwitness nb dady sa house nila jayvee na puro santo, hello sa mga love birds, walkathon bonding with dad ang joshua para magpahangin sa labas going to our old haunted house namin, picture galore pero hindi kasama ang dady at wala pa kaming picture together (**sad) dahil sabi nya mas mahalaga daw ang moments stucked in our hearts and minds. Mega bonding sa tricycle, jeepney at sa last stop namin na mighty mart. Hindi na naman kami nakasimba pero lagi ko siya pinapaalalahanan na magpray sa gabi para God will always bless us ang will protect us from any harm. I am really happy. Masayang masayang, masaya. I must learn not to worry about tomorrow, instead cherish of whats happening today. It is to be contented, to be truly happy..

A fresh start
February 15, 2010
Hmmmm.... It was a great day. Marketing activities in the morning (as early as 7am) and gotta home to sleep at 5, wake at 9, have some dinner.. (ulcers attack**) quality time with my love one (dady) while watching speed scandal and cafe world/fishville onda side. Sarap ng ganito. Sana parating masaya :) Masarap sa pakiramdam maramdaman ulit. :D
Goodnight! (nagpm na ang dady at pinapatulog na ako) Til nextym! Byebye!

Happy New Year! Happy Valentines!
February 14, 2010
I'll just make it short at hindi ako magkkwento ng pagkadeta detalye. hehe Well, last night was really insane, naiirita ako na naiinis na ewan. I assumed that today would be just an ordinary day since *there's no plan* on it and everytime we talked about it, we end up with another topic. Anyway, this is it! Of course ako pa! Sabe niya, dont buy him something expensive (might as well, do not prepare anything for him) Eh pwepwede ba naman yun? :D I have no idea of what to buy or to give. All i know in my mind is i have to give something na hindi ung instant na nabibili like (da one i gave him last year. hihi) i know he'll appreciate much if i i'll give extra effort. :D So, wats d concept again? something cheap but really sweet.. :'> Geesh, nakipagcooperate naman saken ang younger sis ko to go with me sa mall near their school ( to find sum stuff) and as we stroll around, wala talaga akong makita!! Then there's a shop which is best in those occassions and finally grabbed a heart shaped box. BUT!! anoh ang ilalagay koh dito? hahaha! I once thinked to put different chocolates but of a minimal cost. (ung tig pipiso sa mga tindahan sa tabi like goya, eggheads, curly tops, flat tops etc.) and found a couple chain that would be on the middle of my masterpice. I'll just need some stuffs to compress it and then this is it! Cut some bondpaper as my paraphernalia, put all the chocolates, spread some mini marshmallows and mini nips (pinoy version ng m&ms) and then with the 3 little mini love pillows as the main attraction, tied with my couple chain gift behind, with the popular mamy & dady bear in front and that's it! My valentine gift! Ohhwell, the preparation isn't hard, (just the cutting of the paper took me a quite long, coz of many trials of what to put inside then come up with whats the first in my mind, the cutting! :D) I guess reason why its not that hard is because of my excitement and my love in what I'm preparing. My concept is very simple. Magbigay ng something na gawa ko, inisip ko, minahal ko w/minimal cost resources. Hindi kailangang mahal sa pagmamahal. hehe I really wanna tell that i have something to give but i have to keep my mouth shut! (for d first time) and i really love what he looks like upon opening it. Well, this early morning i woke up late knowing that we will have some family affair but it has been canceled. Hurriedly goes to his place to celebrate the hearts day. Iwas kinda late. (ofcourse) and i really miss him much much!! And i gotta gift too! a well ribboned gift! (i really wanted his way of wrapping though he used to say that this talent is only came from tieing his shoes) And thats the moment i gave my gift too! He was surprised. (iknow) But not that shocked. :D I kno he knows how i think na hindi ko papalagpasin ung mga ganitong event. As he opens my present, mas ako pa ata excited. :)) pinangu2nahan sa mga dapat nyang gawin at laman nuon. He still recognize the pink wrapper he used in my birthday last year. (sentimental kase akong tao eh, tinatago ko talaga lahat) And, un yung ginamit ko pang cover sa gift. :) Am glad he likes it. And, we celebrated the day watching korean fun film titled speed scandal and then afterwards, took dinner at Jollibee V. Mall and have some fun talks there. As we separated, smiles in out hearts is remarkable. I thought my story telling would be short... short ba toh? :)) Anyway, i just wanna share that this 2010, i dont see anything good that happened to me. Thanks for this. Since its a happy new year for the Lunar Calendar (i'll just go with their dates) I wanna be my Feb. 14 to be my new year. We had a bunch of food in our house, full of happiness in our hearts and glory to the mighty God.
I hope that smile will continue be a part of me "again". Positive ako na tuloy tuloy na ito. I learned that happiness cant be found the way you expect it, sometimes you can feel it, when you least expect it.
Happy New Year Everyone! Happy Valentines Day!
Farewell Informatics. Thank you and Goodbye..
February 12, 2010
Another part of me has ended. I left the campus, January 30, 2010 and officially resigned by yesterday February 11, 2010. The feeling. The sadness. It's insane. Informatics is my training grounds. My molder. I can say that, without them, I'm nothing. Many thanks to Ms. Charlyne who really played a big role in me. She's my mentor, my number one. My adviser, my teacher, a friend and a mother. (sob*** i misses the lunches we have back when they are on room 2K and the ssed area) The advices which stays on me, and reflected on my personality. Maia d great, i miss you. (lets eat again at Teriyaki Boy and always take care of my Pinky Bear) Jen, my forever best friend at Eastwood. The talks, the gossip, the laughs and the tears.. whoaaa i miss them really badly! The noise of the students. The pollution of Tondo to Eastwood. The LRT, the Eastwood. The office. My friends. I think i have to move on with this. The more i remember all of you, the more painful it gets. My one and only desk. My 2 computers. My 2 printers. I miss you.. I really do.
Sana dumating na yung araw na matatanggap ko na na wala na ako. Ang hirap. Hindi ko isinisink in na "resigned" na nga ako. Umiiyak pa din pag naalala ko ung trabaho ko. Nalulungkot pa din pag naiisip ko yung mga ginagawa ko sa araw araw. Naalala lahat ng iniwan. Nakakamiss.
May 2007, isa lang akong baguhan na walang alam na nag aapply sa marketing at ininterview ni Mam Charlyne kasabay si Aljay at Dranreb. Hanggang sa pakikielam eh napunta sa services. Who have known that i'll be grown up like this? Nagkaruon ka ng boss na Vice President, may boss na mitikuloso, may boss na demanding (pero mababait) Mga faculty na masayahin at marketing na magugulo,SSED na paghahari ni emon na napakalakas ng boses, services na pababy lalo na si Kuya Tony (isa sa mga bestfriend ko) na lahat na lang gusto isusubo sa kanya pero sa totoo, matalino naman, ayaw nga lang ng responsibility. hehe Mga kaibigang maintenance at guard ng building at makukulit na estudyante.. Magaan sa pakiramdam. Masaya sa kalooban na magkaruon ng chansa na maging parte ka ng buhay nila. Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa lahat ng tao na nakaka appreciate sa akin, Jenniper diko talaga inakala na malakas impact ko sayo. hehe Angel, Monica and the group. Kela Mike, Jed at Kat (at sa tropa). Lord, April atbp. Nelyn at Mara. Robin & Mims, (pati na ang buong tropa) Maraming salamat sa inyo.
Laging kasama twing enrollment, bigayan ng SOA at permit. Taga tanggap ng bayad. Taga prepare ng manuals para sa ICL at taga gawa ng payroll, magcheck ng DTR. Taong marketing pag naka field ang lahat. Maintenance ng buong iskul. Kontakin ang mga supplier para sa kung ano anong request ng ibang dept. at makibonding kay Camille ng Metrobank para magdeposit. Kumaen sa style na giba na. Buti na lang dumating si ka 7-11 na bilihan ng siopao at pineapple. Ikaw na ang ma ondoy, mag overnyt sa bahay ng iba at mag ala superman sa pagsagip lang ng gamit ng skwelahan. Makining sa mga reklamo ng magulang, pati na ng mga anak nila. :D
Being part of Informatics is a great one. Sila yung kumpanya na hindi tumitingin sa taas ng kalidad ng edukasyon ng isang tao kundi sa kakayahan nito binabase ang lahat. Madami akong natutunan, nalaman. Nadapa man, pero bumangon. Alam kong sa bawat matinding ulan ay may nag hihintay na bahaghari sa dulo.
Gusto ko nang pormal na magpaalam sa kumpanyang humubog sa pagkatao ko at kakayahan.
Sana, dumating din ang araw na hindi na ako malulungkot at maluluha pag naaalala ko ang iskwelahan, bagkos masayang lilingunin ang nakaraan. I miss my smiles. Sana maramdaman ko na muli tumawa ng may totoong galak.
Maraming Salamat sa alaala.
i lied to him. i broke his heart. i want to die.
Nobyembre 3, 2009
4:24 ng hapon
Ilang oras ang nakalipas, nagkaroon ng matinding pagsubok sa buhay namin. Pagsubok na parang bagyo na tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan hihinto, o kung hihinto nga ba. Walang tigil ang buhos ng luha sa mga paningin ko, kasabay ng matinding bagyo na animo gumugunaw ng tahimik naming mundo. Paano ilalarawan ang nararamdaman ko ngayon? Para akong isang lobo na lulutang lutang na hindi alam kung saan paroroon. Lobo na binitiwan ng taong may-ari dahil hindi na maaari pang manatili sa mga kamay nya. Lobo na hindi na maaaring maabot muli ng taong bumitiw sa kanya.
Nagkamali ako ng minsang mahulog sa bangin na ako din ang may gawa. Ngayon, nag iisa. Walang kasama. Para kang pinapatay nang paulit ulit, sinasaksak, tinutusok. Utak mo, katawan mo, at puso.
Sa totoo lang, sa ngayon, alam kong malabo na. Ayaw ko mang maging negatibo pero kung ako ang nasa katayuan nya, siguro maaring magawa ko din kung anu man ang nasa isip nya ngayon. Gusto ko nang mamatay. Gusto ko nang magpaalam sa sobrang sakit pero kailangan kong tiisin dahil kung nasasaktan ako, ano pa kaya siya na mas alam kong mas higit na nasasaktan sa mga panahon ngayon. Kailangan kong maging matatag hanggat ang mga desisyon ay konkreto na. Napakasakit ng pakiramdam na yung taong pinasasaya mo, minamahal mo, ay ikaw din mismo ang taong magpapaiyak, mananakit at susugat sa kanya. Kung maari mo lang kunin ang lahat ng sakit skanya at ilipat sa akin, pero hindi. At ang isa pang pinakamasakit, na kahit ano pang sabihin mo, ubusin mo man ang alpabeto at infinite na numero, umiyak ng dugo, alam mong hindi ka na nya papaniwalaan pa sa lahat ng manggagaling sayo. Masakit. Mahirap. Pero kailangang tiisin at tanggapin dahil epekto ito ng naging kasalanan ko.
Marami tayong mga bagay na pinagsisisihan kung bakit ginawa, sinabi, nangyari. Mga bagay na sana hindi na lang nangyari (at parating nag-iisip na bakit nga ba hinayaang mangyari) Nang dahil sa padalos dalos na desisyon, ang mga sandaling yoon ay maaring makapanakit ng habangbuhay at maaring mag iwan ng marka na dadalin sa kabilang buhay.
Pagtitiwala at pagmamahal ang pinakamahalagang bagay na nakuha ko mula sa kanya, at iyon din ang bagay na nawala ko.. mula sa kanya.
Mahal kita mula nuon hanggang sa abot ng magiging buhay ko. Hindi mo man paniwalaan ang mga salitang to, sana.. pakiramdaman mo. At kung sakaling hindi mo na maramdaman ang pagmamahal ko, siguro nga oras na para matanggap ko na wala ka nang dapat pang paniwalaan sa akin.
Mag aantay ako. Hindi ako aalis kung saan mo ako iniwan. Positibo man o negatibo ang hatid mo sa pagbalik mo.
Tatanggapin ko ng bukal sa puso ang lahat ng magiging desisyon mo.
Mahal kita.
P.S
I demand for your forgiveness. Please. Please.
Walang Pasok! Part II
Aug 5, 2009
A sincere condolences from us Filipino to the bereavement of our loving President Cory Aquino who passed away Aug 1, 2009. I may not be personally there during the hardship of our country from the tyrannical state, but I can merely experience in my entire living what she have done for us. I know a “thank you” is not enough to compensate her sacrifices, but deep within us Filipinos, our respect, our gratitude will always be with you.
Paalam po, President Cory.
Nagriring ang fone ko, 1:10am. Wala ng ibang tatawag kundi siya, si Dy. Pinatutulog ako. (pero sya hindi pa, dahil sa thesis nya na ang sabi nya dapat daw makagawa sya at least 30% dahil pasahan na sa Friday. Nagcchat ka lang yata eh!) Anu nga ba ang mayron sa buong araw na to? Wednesday, dapat may pasok ako pero nagkita kami dahil sa ginawang holiday ito dahil sa ito ang araw ng libing ni Pangulong Aquino. Ang aga ko nagising dahil sa lakas ng t.v namin, nanonood sila ng live streaming ng requiem mass ng dating pangulo. Malakas ang ulan pagkagising ko. Chek ng fone dahil ang sabi ng asawa kong mabait, eh maaga daw kami magkikita pero pasado alas dyes na eh wala pa syang text kung nagising na ba sya o ano. At syempre! Late sya! Nung paalis na sya sa kanila, dali dali naman akong naligo, kumain para naman hindi ako leyt na pagkikita naming, at dahil na din miss ko na sya. :)
Nagkita na din kami pero pinag antay nya ako. Lamig pa naman dun, mga 10-15 minutes siguro akong nkatayo dun sa kanto ng Tayuman, Abad Santos. At ayun ang dady, nka grey na jacket na feeling ko pambabae un na pinagkasya nya lang sa kanya. Haha Pumunta kami sa SM San Lazaro, tingin tingin ng printers at kung ano anong gadgets duon. Whew! Ganito ba talaga pag may IT na asawa? Sa isang mall, madalas naming pinupuntahan eh yung gadget store o kung ano mang may PC jan. Sabi nya, propesyon daw nya yun, kaya cge.. pagbigyan. Inubos namin ang lahat ng oras na magkasama. Lambingan dito, kulitan dun. Naglibot pati sa Raon, dahil sa speaker nyang gusto at ng napagod na eh nagdinner kami sa Mcdo Sta. Cruz at nag take out ng pancit sa delicious restaurant malapit sa sakayan ng Rivera na nung dumaan kami eh, nagreminisce na naman sya na nung bata daw sya, madalas syang dumaan dun. :D katulad ng sinabi nya nung huling punta naming dun.
Si dady. Ang tangi kong inspirasyon. Patuloy na nagpapasaya sa akin sa araw araw.. Maraming salamat sa oras na parating mayron ka para sakin. I value you so much, and I love you most!
Mwaah!!
Sayonara! :-h (nextime ulit)

Subscribe to:
Posts (Atom)