i lied to him. i broke his heart. i want to die.
Nobyembre 3, 2009
4:24 ng hapon
Ilang oras ang nakalipas, nagkaroon ng matinding pagsubok sa buhay namin. Pagsubok na parang bagyo na tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan hihinto, o kung hihinto nga ba. Walang tigil ang buhos ng luha sa mga paningin ko, kasabay ng matinding bagyo na animo gumugunaw ng tahimik naming mundo. Paano ilalarawan ang nararamdaman ko ngayon? Para akong isang lobo na lulutang lutang na hindi alam kung saan paroroon. Lobo na binitiwan ng taong may-ari dahil hindi na maaari pang manatili sa mga kamay nya. Lobo na hindi na maaaring maabot muli ng taong bumitiw sa kanya.
Nagkamali ako ng minsang mahulog sa bangin na ako din ang may gawa. Ngayon, nag iisa. Walang kasama. Para kang pinapatay nang paulit ulit, sinasaksak, tinutusok. Utak mo, katawan mo, at puso.
Sa totoo lang, sa ngayon, alam kong malabo na. Ayaw ko mang maging negatibo pero kung ako ang nasa katayuan nya, siguro maaring magawa ko din kung anu man ang nasa isip nya ngayon. Gusto ko nang mamatay. Gusto ko nang magpaalam sa sobrang sakit pero kailangan kong tiisin dahil kung nasasaktan ako, ano pa kaya siya na mas alam kong mas higit na nasasaktan sa mga panahon ngayon. Kailangan kong maging matatag hanggat ang mga desisyon ay konkreto na. Napakasakit ng pakiramdam na yung taong pinasasaya mo, minamahal mo, ay ikaw din mismo ang taong magpapaiyak, mananakit at susugat sa kanya. Kung maari mo lang kunin ang lahat ng sakit skanya at ilipat sa akin, pero hindi. At ang isa pang pinakamasakit, na kahit ano pang sabihin mo, ubusin mo man ang alpabeto at infinite na numero, umiyak ng dugo, alam mong hindi ka na nya papaniwalaan pa sa lahat ng manggagaling sayo. Masakit. Mahirap. Pero kailangang tiisin at tanggapin dahil epekto ito ng naging kasalanan ko.
Marami tayong mga bagay na pinagsisisihan kung bakit ginawa, sinabi, nangyari. Mga bagay na sana hindi na lang nangyari (at parating nag-iisip na bakit nga ba hinayaang mangyari) Nang dahil sa padalos dalos na desisyon, ang mga sandaling yoon ay maaring makapanakit ng habangbuhay at maaring mag iwan ng marka na dadalin sa kabilang buhay.
Pagtitiwala at pagmamahal ang pinakamahalagang bagay na nakuha ko mula sa kanya, at iyon din ang bagay na nawala ko.. mula sa kanya.
Mahal kita mula nuon hanggang sa abot ng magiging buhay ko. Hindi mo man paniwalaan ang mga salitang to, sana.. pakiramdaman mo. At kung sakaling hindi mo na maramdaman ang pagmamahal ko, siguro nga oras na para matanggap ko na wala ka nang dapat pang paniwalaan sa akin.
Mag aantay ako. Hindi ako aalis kung saan mo ako iniwan. Positibo man o negatibo ang hatid mo sa pagbalik mo.
Tatanggapin ko ng bukal sa puso ang lahat ng magiging desisyon mo.
Mahal kita.
P.S
I demand for your forgiveness. Please. Please.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment