Farewell Informatics. Thank you and Goodbye..
February 12, 2010
Another part of me has ended. I left the campus, January 30, 2010 and officially resigned by yesterday February 11, 2010. The feeling. The sadness. It's insane. Informatics is my training grounds. My molder. I can say that, without them, I'm nothing. Many thanks to Ms. Charlyne who really played a big role in me. She's my mentor, my number one. My adviser, my teacher, a friend and a mother. (sob*** i misses the lunches we have back when they are on room 2K and the ssed area) The advices which stays on me, and reflected on my personality. Maia d great, i miss you. (lets eat again at Teriyaki Boy and always take care of my Pinky Bear) Jen, my forever best friend at Eastwood. The talks, the gossip, the laughs and the tears.. whoaaa i miss them really badly! The noise of the students. The pollution of Tondo to Eastwood. The LRT, the Eastwood. The office. My friends. I think i have to move on with this. The more i remember all of you, the more painful it gets. My one and only desk. My 2 computers. My 2 printers. I miss you.. I really do.
Sana dumating na yung araw na matatanggap ko na na wala na ako. Ang hirap. Hindi ko isinisink in na "resigned" na nga ako. Umiiyak pa din pag naalala ko ung trabaho ko. Nalulungkot pa din pag naiisip ko yung mga ginagawa ko sa araw araw. Naalala lahat ng iniwan. Nakakamiss.
May 2007, isa lang akong baguhan na walang alam na nag aapply sa marketing at ininterview ni Mam Charlyne kasabay si Aljay at Dranreb. Hanggang sa pakikielam eh napunta sa services. Who have known that i'll be grown up like this? Nagkaruon ka ng boss na Vice President, may boss na mitikuloso, may boss na demanding (pero mababait) Mga faculty na masayahin at marketing na magugulo,SSED na paghahari ni emon na napakalakas ng boses, services na pababy lalo na si Kuya Tony (isa sa mga bestfriend ko) na lahat na lang gusto isusubo sa kanya pero sa totoo, matalino naman, ayaw nga lang ng responsibility. hehe Mga kaibigang maintenance at guard ng building at makukulit na estudyante.. Magaan sa pakiramdam. Masaya sa kalooban na magkaruon ng chansa na maging parte ka ng buhay nila. Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa lahat ng tao na nakaka appreciate sa akin, Jenniper diko talaga inakala na malakas impact ko sayo. hehe Angel, Monica and the group. Kela Mike, Jed at Kat (at sa tropa). Lord, April atbp. Nelyn at Mara. Robin & Mims, (pati na ang buong tropa) Maraming salamat sa inyo.
Laging kasama twing enrollment, bigayan ng SOA at permit. Taga tanggap ng bayad. Taga prepare ng manuals para sa ICL at taga gawa ng payroll, magcheck ng DTR. Taong marketing pag naka field ang lahat. Maintenance ng buong iskul. Kontakin ang mga supplier para sa kung ano anong request ng ibang dept. at makibonding kay Camille ng Metrobank para magdeposit. Kumaen sa style na giba na. Buti na lang dumating si ka 7-11 na bilihan ng siopao at pineapple. Ikaw na ang ma ondoy, mag overnyt sa bahay ng iba at mag ala superman sa pagsagip lang ng gamit ng skwelahan. Makining sa mga reklamo ng magulang, pati na ng mga anak nila. :D
Being part of Informatics is a great one. Sila yung kumpanya na hindi tumitingin sa taas ng kalidad ng edukasyon ng isang tao kundi sa kakayahan nito binabase ang lahat. Madami akong natutunan, nalaman. Nadapa man, pero bumangon. Alam kong sa bawat matinding ulan ay may nag hihintay na bahaghari sa dulo.
Gusto ko nang pormal na magpaalam sa kumpanyang humubog sa pagkatao ko at kakayahan.
Sana, dumating din ang araw na hindi na ako malulungkot at maluluha pag naaalala ko ang iskwelahan, bagkos masayang lilingunin ang nakaraan. I miss my smiles. Sana maramdaman ko na muli tumawa ng may totoong galak.
Maraming Salamat sa alaala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment