Setyembre 12, 2010
Isang ordinaryong araw. Nagising ako sa tawag ng dady mula sa cellphone ko, sinasabi na nasa Tayuman Street na daw sha at gumising na daw ako. Maaga pa, inaantok pa ako. Alas otso lang yata o pasado. Shempre ginising ko na ung mga katabi ko at pinalipat ng higaan dahil darating sha. Oo nga pala, birthday ko ngayon. Hindi ko na naalala.
Pagod ako kahapon, napakadami kong niluto. May carbonara, ang trademark kong sopas at fruit salad, samahan mo na ng pritong manok. Kala mo may bisita, hehe isa lang naman ang bestfrend kong si Chate. Palakaibigan ako, madami akong kakilala at kakwentuhan pero dalawa lang talaga ang natatangi kong kaibigan. Si Chat at Cris (na nasa Texas kaya hindi nakapunta)Binusog ko sha ng carbonara na favorite daw nya, grabe tong babae na toh napakatagal kumain, para shang manok, na tuka ng tuka. 2 oras ata akong nakatanga sa pagtitig habang nagkkwnto pampaalis ng inip sa bagal nyang kumain. haha! At shmpre nagpa salon makeover ako, kasama shang napilitan lang yata na mag hi-lites(buti mura lang) At first time kong magsara ng salon at nga mall (grabe sa tagal ang hair dye ko with cellophane na sa totoo lang para naman hindi ako ginupitan.) at pagkatapos nyan, namili pa ng kung anik anik sa gilid ng tutuban (night market)Thank you s earrings na gift mo sa akin chate ha, magagamit ko toh mag nagheal na ung bagong butas ko. hehe
Yan ang kadahilalan kung bakit ako pagod at tamad gumising kaninang umaga.
Tumawag na naman ang dady, wala daw shang mabilhan ng manok. Malamang, ang aga aga pa kasi. Kaya sbe ko wag na lang at dumerecho na dito. Kumaen sha ng carbonara at fruit salad. (gawan ko daw sila sa kanila, nagrequest pa) at ng matapos ang kainan, ngpunta na kami ng church para magpasalamat at magdasal. Sa simbahan, mukang hi-blood si father na nagbibinyag, dahil kahit walang misa, panay ang sermon nya. :D
Naglakad kami mula Tondo papunta Tutuban. Alam kong asar ng bebe, pero wala sha magawa dahil sa araw ko ngayon, bawal kumontra. Tiniis nya ang sakit ng paa at tumuloy s paglalakad. May nakita kaming mga celphone s daan (mga GSM), nakabili ng pants as blouse s mall at nagdecide nang pumnta ng San Lazaro para manuod ng aking request na Resident Evil: Afterlife, at pagkatapos, nag early dinner sa rice all you can chicken house. Super busog. Palakihan kami ng tyan.
Masaya na ako sa mga pagkakataong ito. Pagod na din ang mga paa ko pero masaya ako.
Hanggang sa may nilabas na munting regalo ang aking mahal na napakalaking parte sa pagbuo ng araw ko. Dahil kenkoy, pinoy henyo muna, Hulaan kung ano yun. Sa totoo lang hindi ko inexpect na mag aabala pa sha. Malihim kasi un. Marunong magtimpi at magtago. Talagang wala ako narinig sa kanya para makapagclue man lang sa kung anong magaganap. Hanggang sa hindi ko na nahulaan.. at nang binuksan ko. Isang singsing. Nang nakita ko, napangiti ako, pero nahihiya ako (ganun ako pag binibigyan nya ako, hindi kasi ako sanay ng binibigyan) Parang, bakit? Eh may singsing naman kaming dalawa. Hanggang sa pinaliwanag nya ang significance kung bakit. Sobrang na touch at natunaw ang puso ko. Hindi ko makuhang magpasalamay ayon sa gusto ko. Hindi ko masabi ang madaming bagay na gusto ko sabihin. Simpleng thank you, yakap at halik lang ang naibigay ko dahil sa shock pa ako. Hindi ko na halos maalala na hiniling ko ang bagay na yun sa kanya, pati yung ferrero naalala pa nya. Naluluha ako habang inaalala ko ang lahat ng pinagdaanan namin, sha at ako bago maabot ang puntong ito. Masarap at masaya sa pakiramdam. Sa wakas. Magkakaroon na ako ng kapayapaan na matagal na din palang nawala sa amin (ano ba yan, naluluha na naman ako ngayon) Hindi nya ako binigo mula nuon hanggang ngayon sa pagsurpresa at sa pagbibigay ng walang sawa at patid na pagmamahal. Alam kong sa puntong ito ng buhay ko. Pinagpala ako. Binigyan ako ng Panginoon ng suntok sa buwan na relasyon at pagmamahal na minsan mo lang matagpuan. Nagkamali ako at muntikan ko nang mawala pero hindi ko na hahayaan na mangyari muli yon. Salamat po sa inyo dahil tinulungan nyo akong patunayan ang bagay na akala kong hindi ko na maabot. Inakala kong hindi na ako makakapagsulat nang may ganitong bugso ng emosyon sa akin. Inakala kong hindi na ako makakabalik sa kasiyahan at kapayapaan.
Heto na ang pinaka espesyal at pinakamagandang regalo sa buhay ko.
Maraming salamat....
kaya ko nang ngumiti ng ganito ^______________________________________________________________^
Good work! Your post is an excellent example of why I keep comming back to read your excellent quality content that is forever updated.
ReplyDeleteysl shoes for sale
Thank you!