Walang Pasok! Part II

Aug 5, 2009

A sincere condolences from us Filipino to the bereavement of our loving President Cory Aquino who passed away Aug 1, 2009. I may not be personally there during the hardship of our country from the tyrannical state, but I can merely experience in my entire living what she have done for us. I know a “thank you” is not enough to compensate her sacrifices, but deep within us Filipinos, our respect, our gratitude will always be with you.

Paalam po, President Cory.


Nagriring ang fone ko, 1:10am. Wala ng ibang tatawag kundi siya, si Dy. Pinatutulog ako. (pero sya hindi pa, dahil sa thesis nya na ang sabi nya dapat daw makagawa sya at least 30% dahil pasahan na sa Friday. Nagcchat ka lang yata eh!) Anu nga ba ang mayron sa buong araw na to? Wednesday, dapat may pasok ako pero nagkita kami dahil sa ginawang holiday ito dahil sa ito ang araw ng libing ni Pangulong Aquino. Ang aga ko nagising dahil sa lakas ng t.v namin, nanonood sila ng live streaming ng requiem mass ng dating pangulo. Malakas ang ulan pagkagising ko. Chek ng fone dahil ang sabi ng asawa kong mabait, eh maaga daw kami magkikita pero pasado alas dyes na eh wala pa syang text kung nagising na ba sya o ano. At syempre! Late sya! Nung paalis na sya sa kanila, dali dali naman akong naligo, kumain para naman hindi ako leyt na pagkikita naming, at dahil na din miss ko na sya. :)

Nagkita na din kami pero pinag antay nya ako. Lamig pa naman dun, mga 10-15 minutes siguro akong nkatayo dun sa kanto ng Tayuman, Abad Santos. At ayun ang dady, nka grey na jacket na feeling ko pambabae un na pinagkasya nya lang sa kanya. Haha Pumunta kami sa SM San Lazaro, tingin tingin ng printers at kung ano anong gadgets duon. Whew! Ganito ba talaga pag may IT na asawa? Sa isang mall, madalas naming pinupuntahan eh yung gadget store o kung ano mang may PC jan. Sabi nya, propesyon daw nya yun, kaya cge.. pagbigyan. Inubos namin ang lahat ng oras na magkasama. Lambingan dito, kulitan dun. Naglibot pati sa Raon, dahil sa speaker nyang gusto at ng napagod na eh nagdinner kami sa Mcdo Sta. Cruz at nag take out ng pancit sa delicious restaurant malapit sa sakayan ng Rivera na nung dumaan kami eh, nagreminisce na naman sya na nung bata daw sya, madalas syang dumaan dun. :D katulad ng sinabi nya nung huling punta naming dun.

Si dady. Ang tangi kong inspirasyon. Patuloy na nagpapasaya sa akin sa araw araw.. Maraming salamat sa oras na parating mayron ka para sakin. I value you so much, and I love you most!

Mwaah!!

Sayonara! :-h (nextime ulit)

ano ang QUALITY TIME?

Aug 2, 2009

It was a fine day. Excited dahil sa magkikita kami ng dady. Ewan ko ba, pero, lately I think that was 2 or 3 weeks before, I used to be more excited than the usual. Dati, tanghali ako nagigising knowing na magkikita kami, lalabas. Pero this time it’s different. I used to wake up early, have my self prepared, maligo ng maaga, at isipin ang mga dapat dalhin na hindi makalimutan. I dunno if he noticed it, pero hindi na ako ganun ka late sa mga pagkikita namin. Kasi nga, handa na ako agad. :D

Dala ko ang bag! Alam kong very tight sa budget ang dady, pero pagdating sakin, he’ll do anything just to provide something I need. Ganyan yan ka generous, hindi lang halata. :D Siya ang nagfinance ng backpack ko na Jansport na binuildup build up nya sakin bago nya ako makumbinsi kasi hindi naman talaga ako nagiinvest pagdating sa bags (actually, eto ang pinakamahal na bag ako so far.hehe) Ayaw nya ng white, ayaw nya ng dumihin kasi burara daw ako! (akala mo sya hindi) Disappointed ata ng makita nya? Pero alam ko nagustuhan nya din dahil sa gusto ko to. Nagkita kami sa Mcdo Tutuban, sinimulan ko ang araw ng may mga ngiti sa mata ko habang nakatingin saknya, umupo sandali at sympre ang asawa kong matakaw, na kung kumain eh kain manok, nagpabili ng sundae, nagpadagdag pa ng limang piso. :D (okey lang na ako ang inutusan nyang bumili para may maisusumbat kung sya ang pagdadalhin ko ng bag. Hehe) Hindi naman niya kinain dun, dahil siguro kasi tinake out ko. At habang paakyat kami para tumingin sa mga cellfone outlets para maghanap ng battery ng cellfone ko, eh nakita naming ang pinsan nyang si Gege na ang cute cute ng gupit! Kulitan dito at doon, at ayun! Naihatid naming sya sa sakayan nya (papunta daw ng school activity, pero sa tingin ko magdedeyt lang un!hehe Peace Gege! ) Nagutom na naman ang tyan ng manok kong asawa. Nakakita ng hongkong fried noodle at dahil sa pakekelam ng ate na taga Zagu eh naihalo ang toge na pinatanggal nya. (diko lam bat nya pinatanggal un, eh hindi ko naman kakainin yun) In fairness, nanlait na naman sya dahil sa Free gulaman na parang lasang tubig lang at sa tissue na galing sa siomai house sa kabilang foodcart. Lumibot kami saglit sa parang kapatid ng 168 except for a fact na walang tao na namimili. Sabi nga nya, ang lungkot daw dun. Mukha nga. :)

Kumakain sya sa daan! Malupit db? Akala ko ako na may pinakamay malupit na tactics sa pagdiskarte sa pagkain dahil kumakain ako sa jeep ng mga value meals, hanggang sa may nagsabi sakin na wag ko daw gagawin un dahil nasa etiquette daw, na hindi tama yun, malay ko ba dun. Sa totoo lang, napakahirap kumain ng naglalakad, parang hindi mo malalasahan kung masarap ba, sabayan mo ng mga usok sa divisoria pati na para kang nagwowork out habang kumakain dahil hindi pa digested, binuburn na. Skill yan ng asawa ko! Sya lang may kaya nyan! Libot libot hanggang makarating na ng Tutuban. Buti na lang umepek ang pagpigil ko sakanya kundi may balak na naman syang mag ice cream naman! Hay naku Dady ko, hindi ata napupuno ang tummy tummy mo. Nagpunta kami sa Robinson, tingin tingin ng bag, (nainggit sya sa kay pinky ko, [pangalan ng bag ko] ) at pagtapos, sa Tutuban para bumili ng battery dahil namamaga na ang battery ng 6020 ko. Tagumpay naman kami nakabili ng class A dahil mahal original. :D Siya lang naman katext at kausap ko kaya hindi naman ma ooveruse sa akin yun malamang. Tamang libot sa primeblock, hanggang sa nanakit na ulo ko, kaya stop over sa Mcdo Primeblock, palamig, maglaptop, magfamily feud. (Sino nga bang nanalo satin nun? Ako yata? :D) Ang tagal naming inabangan ang couch dun sa may gilid, dun naming gusting umupo. Sabi nya bantayan ko, at nakailang upo at alis na ang mga tao hindi naming natyempuhan. Winner din naman dahil naupuan naming un, kahit mga 5 minutes lang. Mas matagal pa pag aantay naming kesa sa paglasap ng upuan na un.

Masaya talaga ako pag kasama ko sya. Minsan talagang ayaw ko matapos agad ang araw namin, pero dahil bundok pa ang inuuwian ng asawa ko, kailangan naming maghiwalay ng mas maaga sa karaniwan. Mamimiss ko na naman sya. Huhu! Bago pa kami umuwi, syempre! Mcdo na naman, Sta. Cruz branch naman para mag dinner. Di lang yun, dahil mega takeout pa sya ng rice w/chicken fillet (sabi nya ayw nya ng rice, pero parang hindi naman) Minsan, gusto ko gumawa ng activity report tungkol sa lahat ng napuntahan naming Mcdo, hindi naman kasi halata na paborito namin dun.

Uwian time na! at habang naglalakad papunta sa sakayan, ang Dady eh nag iinarte pa, nag rereminisce ng mga nakaraan nya na namiss daw nya yung lugar na yun sa may Sta. Cruz, ang Plaza fair, ang Carriedo, na naging parte ng childhood nya. Bumaba ako sa jeep na may maraming halik mula saknya, at akalain mo bang naiwan ko pa ang cellfone ko sa may tabi nya dahil sa mababaw na bulsa.