Someone Special (my version) [Friday, October 31, 2008 ]

Alam ko, in time.. mababasa to ng magiging mga anak ko, gusto ko lang sana ishare sa kanila kung ano kami ng Dady nila when we are only 20 & 21 years old.

Way back 1996, i was grade three then, meron akong classmate na hindi ko naman inakala na yun pala yung taong mamahalin ko at pagbibigyan ng importansya sa buong buhay ko. He is Jaecov Santigao Vasquez. A small typical boy nung grade three kami, na alam ko, pagkakatanda ko, eh walang ibang ginawa kundi umikot sa classrooms at mang asar ng kung sino sinong classmate namin (aminado sya dyan). Nakakatuwa, dahil pagkatapos ng ilang taon, hindi man lang kami nagkaroon ng chance mag usap. Bakit kaya? Does that silence eh may significance kung ano kami ngyon? Hindi ko alam. At ng minsang magsurf ako sa internet, May 2008. I saw his profile sa friendster ng isa pa naming classmate at without thinking, i gave him all my informations for us to have contact. Magaan kasi loob ko sa kanya, knowing na hindi kami nagusap, o kahit man lang naging magkaibigan. That was the start for us.. 2008 technology helped us to catch up things between us, chat dito, message dun, testi jan. :) And, finally.. we decided to meet..

We agreed to meet up sa Jollibee Tayuman (malapit lang sa bahay) pero, late ako. :p (Inform ko lang ang readers na may pasok ako nito dapat, pero thursday night, nagkasakit ako as in nasa office pa lang ako nilalagnat na ako kaya nagpaalam ako na hindi papasok the other day.) At ayun! Hindi nga ako pumasok! hehe!! Super super super nahihiya talaga ko! Mukha lang akong makapal pero, mahiyain ako. Hindi ko alam what words to say, kung ano dapat iaact ko, and to approach him. Ni hindi ko din alam kung ano magiging reaksyon namin sa isa't isa pag nagkita na kami. Starstruck. Kaya, nung wala ng choice, pakatotoo na lang! :) And as we go thru the plan na meron sya ( bili ng PC, kain sa Red Stick BBQ)..

still, that day there are several preserved moments we shared that we cannot forget in out entire lives.

No comments:

Post a Comment